Linggo, Agosto 14, 2011

Ako, Ang Buhay Ko

Ako si Kathleen
Katkat kung minsan ay tawagin
ipinanganak, likas na masayahin
kaya naman sila'y gusto sumama sa akin

Ako'y labinlimang taong gulang na
nasa ikaapat na antas ng sekondarya
naghahangad makapagtapos na may parangal
kaya ako'y nagsisikap sa aking pag-aaral

Ang tulad ko'y nangangarap, maging isang arkitekto
o kaya nama'y magiting na pulis ng sambayanang Pilipino
gamit ang sarili kong talino
aking adhikain, balang araw ay matatamo

Si Katkat, isang simpleng tao
mapagmahal lalo na sa magulang nito
di gaya ng ibang kabataang naging tarantado
kaya sa kanya sila'y saludo

Pag ako'y nakilala mo
tiyak hahanap hanapin mo
sapagkat ako ang tipo ng tao
kahit na may pagka-uto
di iiwan at tatalikuran ang tulad mo

Ganito lang naman ako
kaya't payo ko lang sayo,
subukan mong kilalanin ang tulad ko
dahil ako'y isang kaibigang, magbibigay liwanag sa buhay mo

Hanggang dito na lamang
ako'y magpapaalam na
sapagkat aking tula, masyado nang mahaba
siguro naman, sapat na ito upang akoy' iyong makilala.




          

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento